Propesiya ng Ikalawang Pagdating na Cristo sa Pamamagitan ni David

March 6, 2023
Propesiya ng Ikalawang Pagdating na Cristo sa Pamamagitan ni David

Ang relasyon ni David kay Jesus ay mahalagang bagay na dapat pag-aralan sapagkat ito ay propesiya upang mas makilala ang Tagapagligtas na darating sa laman sa mga huling araw, ang ikalawang Pagdating na Cristo.

Sino si David na Nakapropesiya na Lilitaw sa mga Huling Araw?

Si Haring David na ikalawang hari ng Israel ay hindi lamang isang tauhan sa Biblia na lumitaw sa kasaysayan ng Israel. Sa katunayan, ang lahat ng salita ng Diyos ay naglalaman ng kalooban ng Diyos para sa ating kaligtasan.

Sa pamamagitan ng Biblia, alamin natin na si Haring David ay kumakatawan kay Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan.

John 5:39 “Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin.”

Hosea 6:6 At ating kilalanin, tayo’y magpatuloy upang makilala ang Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng Biblia, makikila natin ang ating Panginoon na dumating bilang ating Tagapagligtas, sapagkat ang Biblia ay nagpapatotoo sa ating Tagapagligtas. Sinasabi ng Biblia, sa pagsasaliksik ng mga kasulatan, magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Dahil kapag nakilala natin ang ating Tagapagligtas, makakalapit tayo sa Kanya at makakatanggap tayo ng kaligtasan, samakatuwid, ang buhay na walang hanggan.

Hanapin si David sa mga Huling Araw

Sinasabi ng Biblia na hahanapin ng mga anak ng Diyos si Haring David para tumanggap ng pagpapala.

Hosea 3:5 Pagkatapos ang mga anak ni Israel ay manunumbalik at hahanapin nila ang Panginoon nilang Diyos at si David na kanilang hari. Darating silang may takot sa Panginoon at sa kanyang kabutihan sa mga huling araw.

Sino daw ang hahanapin ng mga bayan ng Diyos sa mga huling araw para tumanggap ng pagpapala? Ang Panginoon at si Haring David. Ang pagtanggap ng pagpapala ay nangangahulugang pagtanggap ng kaligtasan. Sa katunayan, kung walang pagpapala ng Diyos, wala ring kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya pagtuunan natin ng pansin ang mga salitang “Kanyang (David) pagpapala sa mga huling araw.”

Dahil dito, dapat hanapin ng mga bayan ng Diyos si Haring David sa mga huling araw para makatanggap ng biyaya ng kaligtasan. Ibig sabihin nito, si David ang Tagapagligtas ng bayan ng Diyos sa mga huling araw.

Kung gayon, sino ang David na lilitaw sa huling araw na hahanapin ng mga bayan ng Diyos para tumanggap ng kaligtasan? Siyempre, hindi siya ang pisikal na David, ang Ikalawang hari ng Israel, dahil ang aklat ng Hoseas ay naisulat 250 na taon matapos ang kamatayan ni David. Nangangahulugan na ang David na kailangang hanapin ng bayan ng Diyos sa mga huling araw ay ang propetikal na David.

Tignan natin ang propetikal na David na siyang susi ng kaligtasan nating mga bayan ng Diyos ngayong mga huling araw.

Sino ang Propetikal na David?

Tignan natin ang propesiya ni Isaias.

Isaiah 9:6-7 Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat; at ang kanyang pangalan ay tatawaging “Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.” Ang paglago ng kanyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magwawakas, sa trono ni David, at sa kanyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng katarungan at ng katuwiran mula sa panahong ito hanggang sa magpakailanman. Isasagawa ito ng sigasig ng Panginoon ng mga hukbo.

Sa itaas na bersikulo, ipapanganak ang isang “batang lalaki” at siya ay tatawaging ang ‘Kataas-taasang Diyos’. Walang duda na si Jesus ang batang ipinanganak, tama? Kapag siya ay ipapanganak, kaninong trono Siya mauupo? Sa Trono ni David. Pagtuunan natin ito nang pansin. Tignan natin ang katuparan ng propesiyang ito sa Bagong Tipan.

Luke 1: 31-32 At ngayon, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at magsisilang ka ng isang anak na lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Jesus. Siya’y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David.

Ayon sa bersikulo, ibibigay kay Jesus ang trono ni David. Hindi ba ito nangangahulugan na Siya ang propetikal na David? Siya ay naging Hari gaya ni David at Siya ay uupot Sa trono ni David. Dito natin makikita na may relasyon si David at Jesus na gaya ng anino at katotohanan, propesiya at katuparan.

Relasyon ni David kay Jesus

Bakit prinopesiya ang patungkol kay Jesus sa paghahambing sa Kaniya sa pisikal na David? Ang propetikal na relasyon ni David kay Jesus ay isang propesiya at anino ni Jesus sa Bagong Tipan na siyang katuparan at katotohanan. Ito ay nagpapakita na ang gawain ng pisikal na David ay Siyang gawain din ng Espirituwal na David, kabilang na dito ang propesiya ng Trono ni David.
Paano tinupad ni Jesus and pag-upo sa Trono ni David? Tignan muna natin kung ano ang Trono ni David.

2 Samuel 5:4 Si David ay tatlumpung taong gulang nang siya’y magsimulang maghari, at siya’y naghari ng apatnapung taon.

Si David ay hinirang bilang hari noong siya ay 30 taong gulang, at naupo sa kaniyang trono nang 40 taon. Ito ang propesiya ng trono ni David na tutuparin ni Jesus bilang propetikal na David sa Bagong Tipan.

Paghahari sa Edad na 30 Taon

Luke 3:21-23 Nang mabautismuhan ang buong bayan, at nang mabautismuhan din si Jesus at siya’y nananalangin, ang langit ay nabuksan…Si Jesus ay may gulang na tatlumpung taon nang magsimula sa kanyang gawain.

Pumalupa si Jesus para maging hari (Jn. 18:36-37). Si Jesus ay nabautismuhan sa edad na 30 taon at nagsimula sa Kaniyang gawain bilang Propetikal na David. Hindi siya nagpabautismo sa edad na 20 o 40, kundi sa edad na 30. Bakit? Hindi ba ito kapareho sa edad ng pisikal na David noong siya ay naging hari? Bakit Siya naghintay ng 30 taon bago pa simulan ang Kaniyang gawain ng pangangaral ng ebanghelyo? Dahil kahit na Siya ang Kataas-taasang Diyos, pumarito siya upang tuparin ang propesiya ng pag-upo sa Trono ni David.

Paghahari sa Loob ng 40 Taon

Si David ay naging hari sa Israel ng 40 taon. Kung gayon, si Jesus din, na Propetikal na David, ay dapat mangaral ng ebanghelyo sa loob ng 40 taon. Pero ayon sa Biblia, si Jesus ay nangaral ng tatlong taon lamang ayon sa propesiya ng puno ng Igos (Lk. 13:6). Papaano naman ang natitirang 37 na taon? Ibig ba nitong sabihin na hindi Siya si David dahil hindi Niya ito natupad 2,000 taon ang nakararaan? Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit natin hahanapin ang David na darating sa mga huling araw. Ang Biblia ay tunay na mahiwaga, tama? Lahat ng salita ng Diyos ay natutupad. Kailangang tuparin ni Jesus ang propesiya ni Isaias patungkol sa trono ni David gayundin sa propesiya ni Hoseas na “hahanapin ng bayan ng Diyos si David sa mga huling araw”. Kaya naman, darating muli si Jesus bilang David sa mga huling araw para tuparin ang nalabing pangangaral ng 37 na taon. Tignan natin ito sa aklat ng Hebreo.

Hebrews 9:27-28 ay gayundin naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon, hindi upang harapin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya.

Anong gagawin ni Jesus? Magapapakita Siya sa ikalawang pagkakataon para sa kaligtasan natin. Kaugnay nito ang propesiya ni Hoseas na darating si David sa mga huling araw para sa kaligtasan ng Kaniyang bayan. Kaya tutuparin ng Ikalawang Pagdating na Jesus ang natitirang 37 na taon ng pangangaral ng ebanghelyo sa Kaniyang Ikalawang Pagdating ngayong mga huling araw. Kung tinupad ni Jesus ang 40 na taon ng pangangaral 2000 taon ang nakalipas, hindi na sana nagpropesiya si Hoseas na lilitaw si David nitong mga huling araw, tama? Kung gayun, paano magpapakita si David sa mga huling araw?

Paano nagpakita ang Espirituwal na David sa unang pagkakataon? Dumating si Jesus sa laman, tama? Sa parehong paraan, si David na lilitaw sa mga huling araw sa ikalawang pagkakataon ay lilitaw sa laman. Paano Siya mangangaral ng 37 na taon maliban lamang na magkatawang tao Siya tulad ni Jesus na nangaral ng tatlong taon?

Ang Tanda ni David

Kung darating si David sa laman bilang Tagapagligtas ngayong mga huling araw, papaano natin Siya makikilala mula sa maraming tao? Prinopesiya na ni Jesus 2000 taon ang nakalipas na maraming bulaang propeta at bulaang Cristo ang lilitaw sa panahon ng Kaniyang Ikalawang Pagdating sa mga huling araw, para iligaw ang mga hinirang (Mt. 24:23-24).

Kung gayun, sa anong tanda natin makikilala ang totoong Ikalawang Dumating na Cristo, ang huling David ngayong mga huling araw para hindi tayo malinlang ng mga bulaang propeta?

Isaiah 55:3 Ang inyong tainga ay inyong ikiling, at pumarito kayo sa akin;
kayo’y makinig upang ang inyong kaluluwa ay mabuhay.
Ako’y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan,
ayon sa tapat na kahabagang ipinakita kay David.

Ang itaas na bersikulo ay nagpropesiya na itatatag ng Diyos ang walang hanggang tipan para iligtas ang ating mga kaluluwa. Kanino ipinangako ang pagtatatag ng walang hanggang tipan? Kay Haring David lamang. Ang David na tinutukoy dito ay hindi ang pisikal na David dahil matagal nang patay ang naunang David noong isinulat ang aklat ni Isaias. Ito ay tumutukoy kay Jesus na dumating bilang propetikal na David. Kung kaya, ang walang hanggang tipan ang tanda ni David, ni Jesus na tumupad sa propesiya. Ano ang walang hanggang tipan na tanda ni David?

Hebrews 13:20 Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan na bumuhay mula sa mga patay sa ating Panginoong Jesus, ang dakilang pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan,

Sa bersikulo sa itaas, mababasa nating ang mga salitang “walang hanggang tipan”. Pero malinaw na sinasabing ang walang hanggang tipan ay naglalaman ng dugo ni Jesus. Kaya ito ang tipan na itinatag sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. Ano ang tipan na itinatag sa pamamagitan ng dugo ni Jesus?

Matthew 26: 17-19 Nang unang araw ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsasabi, “Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ka ng kordero ng paskuwa?” At sinabi niya, “Pumunta kayo sa isang tao sa lunsod at sabihin ninyo sa kanya, ‘Sinabi ng Guro, Malapit na ang oras ko; sa iyong bahay ko gaganapin ang paskuwa kasama ng aking mga alagad.’” At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinag-utos sa kanila ni Jesus, at inihanda nila ang paskuwa.

Ito ang tagpo kung kailan ipinangilin ni Jesus ang kapistahan ng Paskuwa sa Bagong Tipan. Tignan natin kung paano nila isinagawa ang Paskuwa.

Matthew 26:26-28 Habang sila’y kumakain ay dumampot si Jesus ng tinapay, binasbasan niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kainin ninyo; ito ang aking katawan.” At kumuha siya ng isang saro at nang makapagpasalamat ay ibinigay sa kanila, na nagsasabi, “Uminom kayong lahat nito, sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Ito ang tagpo ng Paskuwa na ginanap ni Jesus kasama ang mga alagad.
Ang walang hanggang tipan na tinatag sa pamamagitan ng dugo ni Jesus ay tumutukoy sa alak ng Paskuwa ng bagong tipan. Sa aklat ng Hebreo, ang walang hanggang tipan ay naglalaman ng dugo ni Jesus. Tinawag ni Jesus ang alak ng Paskuwa na “kaniyang dugo ng tipan”, at sa Lk 22:20, ang kopang ito (ang alak ng Paskuwa) na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking (Jesus) dugo. Sa madaling salita, ang walang hanggang tipan ay ang Paskuwa ng Bagong Tipan.

Bakit itinatag ni Jesus ang Paskuwa na walang hanggang tipan? Dahil Siya ang propetikal na David kung kanino ipinangako ang walang hanggang tipan. Ito ang tanda at pagkakakilanlan ni David, tama? Kung ganun, ano ang tanda at pagkakilanlan ni David na darating sa huling araw? Ito rin ang Paskuwa na walang hanggang tipan. Kaya kung darating ang Ikalawang Pagdating na Cristo bilang si David ngayong mga huling araw, makikilala natin Siya sa pamamagitan ng Paskuwa ng Bagong Tipan. Itatatag Niya ang Paskuwa at ipapangaral ito para iligtas ang ating kaluluwa.

Sino ang tumupad sa propesiya na ito? Siya ay si Cristo Ahnsahnghong. Bakit Niya muli itinatag ang Paskuwanng Bagong Tipan? Tinaggal ang Paskuwa noong 325 AD sa Konseho ng Nicaea sa Roma. Simula noon, natago ito sa kaalaman ng mga tao at sa kasaysayan.
Hindi lang ang pagtatatag ng Paskuwa ang tanda Niya. Tutuparin din Niya ang pangangaral ng 37 na taon para kumpletuhin ang 40 na taong paghahari ni David.

Si Cristo Ahnsahnghong ay ipinanganak noong 1918 at sa edad na 30, nabautismuhan Siya noong 1948 para simulan ang pangangaral ng 37 na taon. Noong 1985, ang ika-37 na taon mula 1948, umakyat Siya sa langit matapos itatag at ipangaral ang Paskuwa ng Bagong Tipan.
Maraming simbahan ang naitayo at libu-libong mga Biblikal na Iskolar at mga pinuno ng simbahan ang lumitaw sa mundo pero wala ni isa sa kanila ang nagtuturo o sumusunod sa Paskuwa ng Bagong Tipan alinsunod sa ginawa ni Jesus. Ito ay dahil hindi sila si Haring David na Tagapagligtas sa mga huling araw.

Sa buong mundo, ang World Mission Society Church of God lamang ang tanging simbahan na nangingilin ng Paskuwa ayon sa kautusan ng Diyos, at ipinapangaral ito.

Dahil si Cristo Ahnsahnghong lamang ang tanging nagtatag ng Paskuwa ng Bagong Tipan na magbibigay ng buhay na walang hanggan at Diyos lamang ang makakapagtatag, naniniwala ang lahat ng miyembro ng World Mission Society Church of God sa Kaniya bilang ang Ikalawang Dumating na Jesus at Tagapagligtas na dumating sa laman sa mga huling araw.